Ikinababahala ng United Nations (UN) ang posibleng paglala ng food crisis sa gitna pa rin ng giyera ng Russia at Ukraine.
Ipinabatid ni UN Secretary Genral Antonio Guterres na malaki ang epekto nito sa food security, energy at finance ang nasabing kaguluhan sa dalawang bansa.
Apektado dito ang mahigit 1.6 bilyon na katao sa buong mundo.
Kung aniya sa ngayon ay ang problemang kinakaharap na ay ang access sa pagkain ay baka sa susunod na taon ay maaaring ang kakulangan na sa pagkain.
Samantala, nanawagan na lamang ito na dapat matigil na ang nasabing kaguluhan sa dalawang bansa.