Nanawagan si Senadora Imee Marcos sa pamahalaan na paghandaan ang posibleng paglobo pa ng mga kaso ng COVID-19 sa pagtatapos ng Kapaskuhan.
Ito’y ayon kay Senadora Marcos, sa harap ng obserbasyon nito sa bahagyang pagsirit ng kaso ng virus sa iba’t-ibang mga lugar dahil marami na ang lumalabas sa kani-kanilang mga kabahayan.
Binigyang diin pa ni Senadora Marcos, na kahit nanatili pa rin ang mahigpit na pagpapatupad ng community quarantine, pagbabawal sa mga karaoke, inaasahan pa ring tataas ang kaso ng COVID-19 matapos ang pagdiriwang ng Holiday Season.
Paliwanag ni Marcos, ang nakaugalian nang masayang pagdiriwang ng Pasko na sasabayan ng “quarantine fatigue” ay posibleng magdulot ng mas mataas pang kaso mga kaso.
Kaugnay nito, iginiit ni Senadora Marcos na mahalagang paghusayin ang contact-tracing, ihanda ang contingency measures sa mga ospital oras na maging kritikal ang lebel ng kaso ng COVID-19 at ano ang mekanismong pwedeng ipatupad para makaagapay ang local government units sakaling lomobo uli ang kaso ng COVID-19.