Nais patutukan ni Senador Sherwin Gatchalian sa mga otoridad ang posibleng paglobo ng mga kaso ng cybersex trafficking sa gitna ng enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Gatchalian, dahil nasa bahay lamang ang mga tao ngayon, hindi malayong nakatutok ang maraming bata ngayon online.
Dahil dito aniya, mas malaki ang tyansa na malantad ang mga ito sa mga mapagsamantalang indibidwal sa internet.
Giit ni Gatchalian, mas lalong dapat palakasin ngayon ang hakbang para bigyan ng proteksyon ang mga bata at masigurong mapapanagot ang mga gumagawa nito.