Mahigpit na binabantayan ngayon ng AFP o Armed Forces of the Philippines ang mga mahahalagang pasilidad at gusali sa mga lungsod ng Marawi at Iligan sa Mindanao.
Ayon sa tagapagsalita ng 1st Infantry Division ng Philippine Army na si Lt/Col. Joar Herrera, posible kasing Lusubin ng Maute Terrorist group ang mga nabanggit na lugar.
Ito’y bilang diversionary tactic aniya ng grupo upang malihis ang atensyon ng mga sundalong tumutugis sa kanila tulad ng nakagawian.
Sa ngayon, umakyat na sa 38 ang bilang ng mga nasasawi sa hanay ng mga rebelde sa patuloy na operasyon ng militar.
Nagpasalamat naman ang militar sa mga residente ng Lanao Del Sur na siyang naging daan para matunton ng mga sundalo ang kuta ng nasabing grupo.
By: Jaymark Dagala / Jonathan Andal