Nakikipag-usap na ang Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP) sa Department of Health para sa posibleng pagpapababa ng presyo ng mga gamot.
Sinabi ng PHAP na nakipag-usap na ito kay Health Secretary Francisco Duque para din sa posibilidad na mapalawak ang healthcare program ng bansa.
Ayon kay PHAP Executive Director Teodoro Padilla nais nilang gumawa ng mga hakbang o makabuo ng mga paraan para matulungan ang mga pasyente sa kanilang medical journey mula sa prevention hanggang sa paggamot sa sakit o tuluyang gumaling sa sakit.
Sa ilalim ng panukalang partnership sinabi ni padilla na ang mga pasyenteng may breast cancer ay maaaring makakuha ng 54% diskuwento sa gamot o libreng gamot sa ilang bahagi ng treatment. Hindi naman tinukoy ng PHAP kung ano ang magagawa ng gobyerno sa posibleng partnership na ito.