Masyado pang maaga para pag-usapan ang posibleng pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.
Ito, ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, ay dahil marami pang puwedeng mangyari mula ngayon hanggang sa pagtatapos ng martial law sa December 31.
Maaari aniyang ang Pangulong Rodrigo Duterte mismo ang magpasyang hindi na kailangang i-extend ang batas militar dahil gumanda na ang sitwasyon sa Mindanao.
Sinabi ni Albayalde na ang rekomendasyon ng PNP kung palalawigin ba o hindi ang martial law ay naka-depende na rin sa magiging resulta ng efforts ng PNP at AFP gayundin ng iba pang law enforcement agencies sa mga darating na buwan.