Inamin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na pinag-uusapan na ang hinggil sa posibleng pagpapalit ng liderato ng Philippine Military Academy (PMA).
Inihayag ito ni Brig. Gen. Edgard Arevalo, spokesman ng AFP, sa harap ng mga panawagang magbitiw sa puwesto si PMA Supt. Ronnie Evangelista.
Nag-ugat ang panawagan sa pagbibitiw ni Evangelista ang pagkamata ng isang kadete at pagka-ospital ng dalawang iba pa dahil sa hazing.
Ayon kay Arevalo, sa ngayon ay inirelieved na sa kanilang puwesto ang senior tactical officer at company tactical officer na sya dapat nangangalaga sa kanilang mga kadete.