Tinitignan ng Department of Health at Malacañang ang posibleng pagpapanatili sa Metro Manila at iba pang high-risk provinces sa General Community Quarantine hanggang Disyembre.
Kasunod ito ng mungkahi ni Dr. Rontgene Solante, miyembro ng vaccine expert panel, kung saan binigyang-diin niya na hindi dapat magpaka-kumpiyasa ang pamahalaan lalo na’t hindi pa nakakamit ang herd immunity.
Aniya, wala pang 40% ng populasyon ang nababakunahan.
Sa ngayon, pinag-uusapan na rin ng DOH kasama ang economic cluster kung paano magta-transition sa mga community quarantine classifications.
Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na titingnan pa rin nila ang daily attack rate at 2-week daily average attack rate, at ang critical care capacity. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico