Nagbabala ang United Arab Emirates (UAE) sa posibleng pagpapauwi sa mga dayuhang nagtatrabaho sa kanilang bansa na apektado ng lockdown dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa UAE government, posibleng kanilang pagaralan ang ilang labor agreement sa ilang mga bansa.
Anila, marami kasi ang mga migrant workers na nawalan ng trabaho o pinag-leave ngayon ng kanilang mga employer dahil sa epekto ng pagkalat ng sakit.
Kabilang sa milyong-milyong migrant workers sa UAE ay mula sa mga bansa sa Asya gaya ng Nepal, India at Pilipinas.