Pinangangambahan ng OCTA Research Group ang posibleng pagpasok sa bansa ng panibagong covid-19 omicron sub-lineage na bq.1.
Ang nasabing strain ang kasalukuyang nagdudulot nang pagtaas ng mga impeksyon sa Estados Unidos at Europa.
Ayon kay Octa Fellow Dr. Guido David, oras lamang ang hinihintay kung kailan makapapasok ang naturang sub-variant.
Gayunman, wala pa naman anyang kumpirmasyon mula sa Philippine Genome Center.
Wala pa ring ebidensya kung ang BQ.1 ay nagdudulot ng mas malubhang sakit kumpara sa iba pang omicron sub-variant gaya ng BA.4 at BA.5.