Todo paghahanda na ang National Patient Navigation and Referral Center (NPNRC) laban sa posibleng pagpasok sa bansa ng monkeypox.
Ayon kay NPNRC Operations Manager Dra. Bernadette Velasco, mayroon nang sapat na kaalaman ang kanilang mga staff para agad na matukoy ang monkeypox.
On-going narin aniya ang pakikipag koordinasyon nila sa mga health facility upang maipaalam sa kanila kung saan maaring dalhin o idulog ang mga indibidwal na hinihinalang nahawaan ng sakit.
Pero ani Velasco, wala pa silang naitatalang kaso ng monkeypox sa bansa subalit mas maganda aniyang maging handa na ang lahat laban dito.