Isinasapinal na ang posibleng pulong ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. kay US President Joe Biden.
Kinokonsulta pa ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang white house at US national security agency.
Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz Angeles na ang magiging talumpati ng punong ehekutibo ay may kaugnayan sa kung paano nagrerekober ang Pilipinas mula sa pandemya at maaring maisama ang mga prayoridad ng pamahalaan gaya ng climaye change, rule of law at food security.
Magugunitang, nakatakdang bumiyahe Si PBBM sa Estados Unidos sa Setyembre 18 kung saan magtatalumpati siya sa harap ng 77th United Nations General Assembly (UNGA) na nakasentro sa efforts ng bansa na makarekober mula sa COVID-19 pandemic.