Ibinabala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang posibleng pagragasa ng lahar sa mga lalawigan ng Albay at Sorsogon bunsod ng inaasahang malakas na pag-ulan dulot ng bagyong Nona.
Ayon sa PHIVOLCS, ang pag-ulan ay maaari ring maging sanhi ng pagguho ng lupa at pagdausdos ng pyroclastic deposits sa itaas at gitnang bahagi ng dalisdis ng Mayon Volcano sa Albay.
Dahil dito, malaking volume ng lahar ang nagbabadyang makaapekto sa mga ilog sa mga bayan ng Guinobatan, Sto. Domingo, Daraga maging sa Legazpi at Ligao cities.
Binalaan din ng PHIVOLCS ang mga residente sa paligid ng bulkang Bulusan sa pangambang umagos ang lahar bunsod din ng pag-ulan dulot ng bagyo.
Pinayuhan naman ng ahensya ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na maging alerto at handa sa posibleng evacuation.
By Drew Nacino