Ikinababahala ng kampo ni Vice President Leni Robredo sa posibilidad na samantalahin ng ilang opisyal ng gobyerno ang pagkakataong makauna sa bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, spokesman ng OVP, patuloy na sinasabi ng gobyero na health workers at mga mahihirap ang mauunang mabakunahan subalit mga pulitiko naman ang mauuna.
Dapat aniyang matiyak na ang tinutukoy na frontliners ng Pangulong Rodrigo Duterte ang siyang talagang unang matuturukan ng darating na COVID-19 vaccines.
Gayunman, inihayag ni Gutierrez na sapat na ring mauna ang ilang matataas na opisyal sa pagba bakuna para makatulong na mawala ang takot ng publiko sa pagpapaturok ng bakuna kontra COVID-19.