Pag-uusapan na bukas ng gabi, ika-26 ng Enero, ang mga alkalde sa Metro Manila kung uubra nang maisailalim sa modified general community quarantine (MGCQ) ang mga lungsod sa National Capital Region (NCR).
Ayon ito kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, pinuno ng Metro Manila Council kung saan nasa GCQ ang kalakhang Maynila hanggang sa ika-31 ng Enero.
Sinabi sa DWIZ ni Olivarez na kailangang makita munang pababa ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Metro Manila bago bahagyang paluwagin ang quarantine status kasama na rin ang pag-apruba ng IATF na makalabas na ang mga batang 10-taong gulang hanggang 65-taong gulang.
Partikular aniya nilang tututukan kung talaga bang nakapasok na sa bansa ang UK variant at kung anu-ano pa ang mga paraang gagawing prevention bago mag MGCQ ang Metro Manila sa tulong na rin ng medical experts. —sa panayam ng IZ sa Alas Sais