Kapwa babantayan ng Pambansang Pulisya at ng mga progresibong grupo ang mga aktibidad ngayong araw kasabay ng malawakang kilos protesta kontra administrasyon.
Ito’y ayon kay Cordillera People’s Alliance Secretary General Santos Mero ay bilang pag-iingat na rin sa posibleng pagsiklab ng gulo sa gitna ng mga isasagawang pagkilos.
Iginiit ni Mero na bagama’t hindi nila batid kung saang kampo magmumula ang gulo, hindi aniya ito malabong mangyari na siyang magiging daan para ibagsak na ng tuluyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Batas Militar sa buong bansa.
Maliban sa mga pulis, una nang tiniyak ng AFP o Armed Forces of the Philippines ang kanilang kahandaang tumulong para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa mga nakakasang aktibidad.
Bagama’t tiniyak na ng Pambansang Pulisya na wala silang natatanggap na banta sa seguridad sa mga gagawing pagkilos, binigyang diin ni PNP Spokesman C/Supt. Dionardo Carlos na mabuti nang maging handa anumang oras.
—-