Inaasahan ng mga eksperto ang posibleng pagsipa ng kaso ng COVID-19 ngayong linggong base sa projection na kanilang isinagawa.
Ayon kay Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante, hindi lamang ang uptick o pagtaas na maaaring manggaling sa nagdaang halalan dalawang linggo na ang nakakaraan ang kanilang titingnan.
Aniya, babantayan din nila ang kasong maitala na may koneksiyon naman sa pagpasok ng Omicron subvariant na BA.2.12.1.
Nabatid na ang naturang pagmo-monitor, ay tatakbo mula Mayo hanggang Hunyo.