Nangangamba ang pamunuan ng San Lazaro Hospital sa Maynila sa posibleng pagsisiksikan ng mga pasyenteng may dengue at leptospirosis.
Kasabay ito ng pagpasok ng tag-ulan at pagbaha na karaniwang pinagmumulan ng sakit na leptospirosis.
Ayon kay Dr. Ferdinand De Guzman, tagapagsalita ng San Lazaro Hospital, aabot sa 115 ang kanilang dengue patients kaya’t ang ilan sa mga ito ay nasa pasilyo na.
Hindi pa man humuhupa ang nasabing bilang ng mga pasyenteng may dengue ay nagsimula na ring aniyang sumugod sa ospital ang mga may leptospirosis.
Karaniwan naman umanong mga matatanda ang tinatamaan ng naturang sakit dahil sila ang lumalabas kahit may baha.