Posibleng makaapekto ang pagpapaliban ng Barangay at SK elections sa paghahanda ng 2025 midterm elections ng Commissions on Elections (COMELEC) sa darating na December 5.
Ito ay sa kabila ng pahayag ni Comelec acting Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco na handa ang Komisyon sakaling magpasa ng batas ang Kongreso upang suspendihin ang BSKE.
Sinabi pa ni Laudiangco, sakaling suspindihin man ito ay sinisiguro namang hindi masasayang ang mga nakahanda nang balota at iba pang accountable forms kalaunan katulad ng ginawa sa paglipat ng October 2017 Barangay Elections papunta sa May 2018.
Sa ngayon, hindi pa nagagamit ang P8-B pondo para sa 2022 Barangay at SK Elections batay sa impormasyon mula kay Comelec Finance Services Director Martin Niedo.