Nagbabala ang mga eksperto tungkol sa virus na nagdudulot ng mga kaso ng Avian Influenza sa mga ibon sa buong mundo at mabilis na nagbabago, habang tumataas ang mga panawagan para sa mga bansa na bakunahan ang kanilang mga manok.
Bagamat ang panganib sa mga tao ay nananatiling mababa, sinabi ng mga eksperto na ang tumataas na bilang ng mga kaso ng bird flu sa mga mammal ay isang health concern.
Nabatid na ang ilang mga bansa kabilang ang China, Egypt at Vietnam ay nagsagawa na ng mga kampanya sa pagbabakuna para sa mga manok.
Ngunit maraming iba pang mga bansa ang nag-aatubili dahil sa mga paghihigpit sa pag-import sa ilang mga lugar, at ang pangamba sa mga nabakunahang ibon na gayunpaman ay nahawahan at maaaring makalusot sa net.