Mahigpit na tinututukan ng DOH o Department of Health ang mga lugar na binaha dahil sa bagyong Lando.
Kaugnay ito sa posibilidad nang pagkakaroon ng mga kaso ng leptospirosis.
Tiniyak muli ni DOH Spokesman Dr. Lyndon Lee Suy na naka-alerto na ang kanilang satellite offices sa mga binahang lalawigan para kaagad mabigyan ng lunas ang mga posibleng kapitan ng infection.
Pinayuhan ng DOH ang mga residenteng naapektuhan ng baha na iwasang magbabad sa baha at kung hindi naman maiiwasan ay maghugas at magsabong mabuti pagkatapos.
Ang leptospirosis ay bacterial infection na nagmumula sa ihi ng daga at nakukuha sa baha.
By Judith Larino