Ibinabala ng Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG ang posibleng pagtaas ng presyo ng bigas sa ilalim ng panukalang rice tarrification.
Ito ay taliwas sa naging panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang ikatlong State of the Nation Address o SONA na ipasa na ang rice tarrification bill upang bumaba umano ang presyo ng bigas.
Paliwanag ni Rosendo So, pinuno ng SINAG, malaki ang posibilidad na tumaas ang presyo ng bigas sa halip na bumababa ito dahil aalisin dito ang kinakailangang partisipasyon ng gobyerno sa rice market.
Nakasaad kasi umano sa nasabing panukala na maaaring magtaas ng presyo ng bigas kapag nagpa-import pa ng mas maraming bigas sa bansa.
Sinabi ni So na dapat na matutukan ng pamahalaan ay ang agarang paghuli ng mga nagsasagawa ng rice cartel sa bansa.
NEDA
Muling ipinanawagan ng National Economic and Development Authority o NEDA sa mga mambabatas ang pagpasa sa rice tariffication bill na nakikitang solusyon upang mapababa ang presyo ng bigas.
Kabilang ang nabanggit na panukula sa naging laman ng ikatlong State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Magugunitang ipinanawagan din ni Pangulong Duterte ang agarang pagpasa sa batas na nag-aamyenda sa Agricultural Tariffication Act of 1996.
Ayon kay NEDA Director-General Ernesto Pernia, ang rice tariffication ang solusyon upang mapahupa ang inflation at paghusayin ang agriculture sector.
Wala na anyang dapat sayanging panahon sa halip ay suportahan ang mga isinusulong na reporma ng administrasyong Duterte partikular sa sektor ng agrikultura.— Drew Nacino
—-