Nasa desisyon na ni Pang. Rodrigo Duterte kung tatanggapin nito sakaling alukin sya ng incoming Marcos administration na maging kabahagi ng kanilang gabinete.
Ginawa ni acting Deputy Presidential Spokesperson Usec. Kris Ablan ang pahayag matapos sabihin ni President elect Ferdinand Marcos Jr. na bukas ang kanyang administrasyon para sa sinumang nagnanais na makatulong sa pamahalaan, kabilang na dito si pangulong duterte na maaring maitalaga bilang Anti-Drug Czar.
Pero ani Ablan, nagbigay na ng unang pahayag ang Chief Executive kungsaan sinabi nito na excited na sya sa kaniyang pagriretiro sa politika at nais niya nang makauwi sa kanyang tahanan sa lungsod ng Davao.
Gayunman, binigyang-diin ni Ablan na welcome sa Malakanyang kung kabilang man sa plano ng incoming administration na italaga bilang Anti Drug Czar si Pang. Duterte lalo na’t iginiit nito na mayroon pa siyang unfinished business kaya’t kailangang maipagpatuloy ang kampanya kontra iligal na droga.