Nagbabala ang Philippine Institutue of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na posibleng tumama pa ang mas malakas na lindol.
Ito ay kasunod ng magnitude 6.6 na lindol sa Cotabato kahapon.
Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, sa ngayon ay pinag-aaralan nila kung iisang fault lamang ang gumalaw sa lindol noong Oktubre 16 at lindol kahapon.
Aniya, aktibo ang mga faults sa lugar at posible pa ang mga susunod na lindol na mas malaki o mataas pa ang magnitude.
Dagdag pa nito, seismic zone ang episentro ng lindol at patuloy pa rin ang paggalaw ng mga fault.
Sa ngayon ay hindi pa iniaalis ang posibilidad ng mga aftershocks kaya’t pinayuhan ng ahensya ang mga residente na maging maingat.