Maka-aapekto sa inaasahang paglago ng ekonomiya ng bansa ngayong taon sakaling muling itaas sa Alert level 2 ang Metro Manila.
Ito ang pangamba ni Senator Joel Villanueva sa harap ng posibleng pagsasailalim muli sa National Capital Region sa Alert level 2 bunsod ng tumataas na namang kaso ng COVID-19.
Ayon kay Villanueva, sa pagtaya ng World Bank, lalago ang ekonomiya ng bansa ng 5.7% ngayong taon, na pinakamataas sa Asya, habang 5.6% ang inaasahang paglago sa taong 2023 hanggang 2024.
Crucial anya ngayong panahon ang pagbubukas ng ekonomiya, lalo na sa turismo sakaling itaas muli ang Alert level.
Gayunman, idinagdag ng senador na ang IATF at team ng mga eksperto nito ang dapat magrekomenda sa dapat gawin alinsunod sa pinaka-bagong datos at dapat ibatay din sa karanasan ng ibang bansa. —ulat mula kay Cely Ortega Bueno (Patrol 19)