Tinututukan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang posibleng pamamahagi ng subsidy para sa Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs)
Ito ay para maibigay nila ang 13th month pay ng kanilang mga empleyado.
Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, sa nakalipas na dalawang taon, ang gobyerno ay nagbigay ng tulong sa mga MSME na lubhang naapektuhan ng pandemya at nahihirapang bigyan ang kanilang mga empleyado ng kanilang 13th month pay.
Kaugnay nito, sinabi ni Laguesma na batid nilang may ilang kompanya ang hirap makapagbigay ng bonus sa kanilang mga empleyado ngunit iginiit nito na hindi nagbibigay ng exemption ang batas. —sa panulat ni Hannah Oledan