Nagkasa na ng pag aaral ang DENR para malaman kung may panganib sa kalusugan ang marble toys o holen.
Kasunod na rin ito ng pahayag ng ban toxics na nakakalasan ang holen dahil sa taglay nitong cadmium base na rin sa kanilang sariling pag aaral.
Ayon kay Ban Toxics Campaigner Thony Dizon, dapat mabatid ng publiko ang peligrong dulot ng mga holen na nabibili lang sa mga palengke at maaaring magdulot ng cancer kapag nagkaruon ng exposure rito.
Una nang inihayag ng ban toxics na ang mga holen na sinuri nila ay walang required labeling information na kinakailangan batay na rin sa Republic Act 10620 o Toy and Game Safety Labeling Act of 2013.