Nagbabadyang manumbalik ang port congestion na naranasan noong 2014 at 2015.
Ayon kay Abe Rebong, Vice President ng ABC o Aduana Business Club, halos syamnaput syam (99) na porsyento na ng Manila South Harbor ang na-okupa ng mga walang lamang containers.
Ang pagtambak ng mga walang container vans sa Manila South Harbor ay bunga ‘di umano ng mga long holidays mula noong Mahal na Araw at nang ganapin ang ASEAN Summit.
Nagbabala si Rebong na maaaring tumaas ang halaga ng bilihin kung magkakaroon uli ng port congestion dahil maiipit ang mga imports at magkukulang ang suplay.
Maliban dito, nakakadagdag rin anya sa siksikan ng walang lamang containers ang TABS o Terminal Appointment Booking System kung saan idinadaan sa online ang pagpapa-schedule ng cargo pickups, export deliveries at pagbabalik ng mga lamang containers.
Iginiit ni Rebong na dapat itgil muna ang implementasyon ng TABS dahil wala namng batas o Executive Order (EO) na susuporta sa legalidad nito.
By Len Aguirre