Kinakailangan ng matinding information campaign sa bakunang gagamitin kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) at kung anuman ang posibleng maging side effects nito.
Ayon sa panayam sa DWIZ ni League of Provinces of the Philippines President at Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr., kinakailangan ang ‘massive social marketing campaign’ para maiwasan ang nangyaring pagkabahala ng publiko katulad ng nangyari sa Dengvaxia.
Ito’y dahil rin aniya sa posibleng allergic reaction sa bakuna ng ilang katao.
Sinabi pa ni Velasco, kailangang ipaliwanag ng maayos ng Department of Health (DOH) kung ano nga ba ang bakuna at ang magiging epekto nito sa pangangatawan.
Kailangan ipaliwanag talaga sa tao at ipaliwanag din yung tungkol sa possible risk, kailangan ‘yon kasi hindi naman tayo basta pwedeng bigyan ng turok o kaya ng gamot hangga’t hindi ipinapaliwanag ng mabuti ng doktor ang possible na risk, alam natin na may allergic reaction sa iba ‘yan”, ani Velasco. — panayam mula sa Teka, Teka.
Samantala, tiniyak naman ng DOH na sasagutin ng gobyerno ang pagpapagamot sa mga makakaranas ng side effects sa bakuna kontra COVID-19.