Ibinunyag ng Philippine Eagle Foundation o PEF na natukoy na nito ang posibleng suspek sa pagpatay sa agilang si Pamana sa Davao noong nakaraang buwan.
Gayunman, ayaw isiwalat ng PEF ang pagkakakilanlan ng posibleng killer ni Pamana upang hindi madiskaril ang imbestigasyon at makabuo ng matibay na kaso.
Ayon sa grupo, kakulangan ng forest rangers sa Mt. Hamiguitan Wildlife Sanctuary ang dahilan kaya napatay si Pamana.
Matatandaang pinakawalan si Pamana noong Hunyo 12 kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, subalit nabaril ito makalipas ang dalawang buwan.
By: Jelbert Perdez