Gumugulong na ang posibleng pagsasanib-pwersa nina Davao City Mayor Inday Sara Duterte–Carpio at dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa 2022 National Elections.
Ito ang inamin ni Lakas–CMD President at House Majority Leader Martin Romualdez sa gitna ng mga ispekulasyon ng posibleng alyansa sa pagitan ni Marcos at Duterte–Carpio.
Ayon kay Romualdez, umaasa siya maging ang kanilang mga ka-partido na magkakasundo ang presidential daughter at dating mambabatas lalo’t nagpapatuloy ang usapan ng dalawa.
Gayunman, nilinaw ng kongresista mula Leyte na ang desisyon sa pagtakbo bilang ka-tandem ay nakalalay pa rin kina Duterte-Carpio at Marcos.
Magugunitang kumalas ang alkalde sa hugpong ng pagbabago upang umanib naman sa lakas. —sa panulat ni Drew Nacino