Posibleng ang pakikipag-tandem lamang ni Senator Grace Poe ang siyang magpanalo kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas sa darating na eleksyon.
Ayon kay Senator Sergio Osmeña, base sa kanyang ginawang pag-aanalisa, kay Roxas mapupunta ang mga botong iiwan ni Poe sakaling hindi ito tumakbo sa pagka-Pangulo.
Ngunit sinabi ng Senador na mukhang hindi ito mangyayari dahil malaki ang posibilidad na tumakbo si Poe sa pagka-Pangulo.
“I have a feeling that she will go for it, that’s why she hasn’t done a deal with PNoy, kung hindi may wedding na sa altar, eh wala naman eh.” Ani Osmeña.
Samantala, sinabi ni Osmeña na isa sa mga dapat abangan ay si Davao City Rodrigo Duterte dahil sa impressive na numero nito sa mga survey.
“Ang laki ng upside,as a matter of fact sa region lang niya sa 11, which is 6 provinces ‘yan, he’s getting 93 percent na hindi ko pa nakikita sa buong buhay ko.” Dagdag ni Osmeña.
By Rianne Briones | Karambola