Itinanggi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang mga ulat ng posibleng term extension ni Pangulong Rodrigo Duterte hanggang taon 2030 sa ilalim ng panukalang charter change.
Ayon kay Sotto, wala pa namang pinal sa draft constitution na inaprubahan ng Consultative Commitee para sa planong pagpapalit ng sistema ng gobyerno patungo sa pederalismo.
Naniniwala ang Pangulo ng Senado na hindi magiging kapit-tuko sa posisyon ang Punong Ehekutibo lalo’t maka-ilang beses na nitong inihayag na nais na niyang bumaba sa powesto sa oras na ratipikahan ang bagong Saligang Batas.
Samantala, aminado naman si Sotto na masyado pang maaga para mag-komento sa anumang nilalaman ng Con-Com draft dahil hindi pa ito nakararating sa Kongreso.
(Usapang Senado Interview)