Naghahanda na ang Pamahalaan sa posibleng worst case scenario sakaling may magtangkang manggulo sa Halalan 2022.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya na mayroon nang contingency plan na inihanda ang Commission on Elections (COMELEC) kasama ang Philippine National Police (PNP).
Aniya, sakaling may manggulo sa mismong araw ng eleksyon sa may anuebe , nakahanda naman ang civil disturbance unit ng PNP.
Magugunitang sinabi ni Malaya na nasa 60K police personnel ang kanilang ide-deploy at ipakakalat sa mismong araw ng halalan.
Bukod dito, nag-deploy na rin sila ng mga karagdagang tauhan sa mga tinaguriang election areas of concern o election hotspots.