Naging mas matapang ang posisyon ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN hinggil sa issue ng maritime dispute sa South China Sea.
Sa Final Joint Communique, inihayag ng ASEAN ang matinding pangamba sa nagpapatuloy na land reclamations at iba pang aktibidad gaya ng militarisasyon sa pinag-aagawang karagatan.
Lalo anilang magiging kumplikado ang sitwasyon at maaaring sumiklab ang tensyon sa South China Sea kung magpapatuloy ang militarisasyon at pagtatayo ng mga artipisyal na isla.
Gayunman, hindi direktang tinukoy sa joint statement ang China na nangunguna sa land reclamation activites sa Spratly Islands lalo’t isa ang Tsina sa dialogue partners ng ASEAN.
By Drew Nacino