Aminado ang Duterte administration na, nananatili ang posisyon ng China na hindi pagkilala sa arbitral ruling na pumapabor sa Pilipinas sa isyu ng agawan ng teritoryo sa South China Sea.
Ayon kay ambassador Chito Sta. Romana, inungkat na ng Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jinping ang ruling ng permanent court of arbitration subalit matigas ang posisyon dito ng China.
Gayunman, nagkasundo any aang dalawang bansa na daanin sa pag uusap at pagbuo ng bicameral consultative mechanism ang anumang hindi pagkaka unawaan sa isyu ng South China Sea.
Sinabi ni Sta. Romana na asahan na ang paghupa ng tensyon sa West Philippine Sea (WPS) lalo na sa Pag-asa Island dahil nagkakaisa naman ang dalawang pangulo na hindi sila banta sa isat isa at ang magkaibigang bansa ay nagtutulungan at hindi nagsisiraan.