Inaasahang makakapulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Chinese President Xi Jinping at US President Donald Trump sa sideliners ng APEC Summit sa Vietnam na magsisimula ngayong araw.
Partikular na lilinawin ng Pangulo sa Chinese President ang tunay na tindig ng China sa usapin ng agawan sa teritoryo sa South China sea kung saan, may inaangkin ding teritoryo rito ang Pilipinas.
Kasunod nito, sinabi ng Pangulo na kaniyang iaakyat sa mga pinuno ng APEC member countries ang sigalot sa South China Sea upang tulad ng paniniwala ng China, maidaan sa mapayapang paraan ang pagtugon sa problema.
APEC leaders
Magiging hectic ang schedule ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang pagdalo sa APEC o Asia Pacific Economic Cooperation Summit sa Vietnam simula ngayong araw.
Inaasahang magbibigay ng talumpati ang Pangulo sa APEC CEO Summit na isa sa mga highlights ng nasabing pagpupulong ng mga heads of state.
Kasunod nito, nakalinya na ang mga bilateral talks sa sidelights ng APEC Summit kung saan, inaasahan nang makahaharap nito si Russian President Vladimir Putin.
Makakapulong din ng Pangulo si Vietnam President Tran Dai Quang gayundin kay Papua New Guinea President Peter O’Niel at iba pang mga pinuno.
Inaasahang magbabalik bansa ang Pangulo sa Sabado, Nobyembre 11 para paghandaan naman ang pagho-host ng Pilipinas sa ASEAN Summit sa susunod na linggo.
—-