Hindi pa batid ng Malacañang kung nagbago na ang posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa usapin diborsyo.
Ito ang reaksyon ni Presidential Spokesman Harry Roque sa pagkakalusot ng panukalang diborsyo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ayon kay Roque, kaniya pang itatanong sa Pangulo ang pananaw nito dahil kung maalala noong 2016, tutol siya sa paghihiwalay ng mga mag-asawa dahil sa pangambang labis na maapektuhan ang mga anak.
Gayunman, nakatitiyak si Roque na mariing tutol pa rin ang Pangulo sa isyu ng aborsyon dahil isa itong uri ng pagkitil, pagsikil at pagkakait sa isang sanggol na mabuhay.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Jopel Pelenio
Posted by: Robert Eugenio