Inamin mismo ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na may naghihintay na sa kanyang posisyon sa gobyerno.
Ito ay oras na mag – retiro na siya sa Enero 21 sa susunod na taon.
Ayon kay Dela Rosa, hindi lamang isang beses inialok sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang puwesto sa isang ahensyang napakahirap ng trabaho kung saan hindi nagtagumpay ang lahat ng namuno dito.
Gayunman, tumanggi na si Dela Rosa na ibunyag kung anong ahensiya ito dahil baka mapahiya lamang siya sakaling hindi naman ito matuloy.
Sinabihan ako ng Presidente pero… sinabihan ako kung anong pupuntahan ko pero napaka – hirap na tarbaho.
The most challenging na trabaho sa buong gobyerno.
Ang sabi niya, ‘Where everyone failed. I expect you to succeed’.
Napaka – bigat na trabaho n’yan. Sige imagining n’yo kung anong pinaka – mahirap na trabaho… napaka – hirap…
Bato idinepensa ang pagkakatalaga kay Ferro sa DEG
Idinepensa ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa ang pagtalaga niya kay Senior Superintendent Albert Ferro bilang bagong pinuno ng binuhay na Drug Enforcement Group (DEG).
Sa harap ito ng mga batikos laban kay Ferro dahil sa pagkakasangkot sa kontrobersyal na pagkamatay ng Koreanong negosyanteng si Jee Ick Joo noong nakaraang taon.
Ayon kay Dela Rosa, sa imbestigasyon ng PNP napatunayang walang kinalaman si Ferro sa kaso ni Jee at naging instrumento pa aniya para maresolba ang kaso.
Iginiit din ni Dela Rosa ang pagkakaroon ng contacts ni Ferro sa kanilang foreign counterparts na makatutulong para sa pagsugpo ng problema sa iligal na droga sa Pilipinas.
Pagalitan ninyo ako kung ayaw ninyo akong bigyan ng papel na pumili sa mga taong gusto kong patrabahuhin.
Ganito lang, that’s my prerogative.
So, huwag na ninyong… huwag na nilang tirahin si Colonel Ferro. Ako na… ako na tirahin nila… that’s my decision… sagot ko ‘yan… sagot ko.