Handa si National Security adviser Clarita Carlos na baguhin at palitan ang kanyang posisyon kontra institusyonalisasyon ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Ayon kay Carlos, ikinukonsidera niya ang tugon ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa kanyang pangamba hinggil sa na-dobleng tungkulin ng mga ahensiya, maging ng “duration ng existence” nito.
Sa kanyang pagharap sa Senate Hearing ng Committee on National Defense and Security, Peace, Unification and Reconciliation sa ELCAC Act, Sinabi ng NSC adviser na ang panukala ay magiging “contest of jurisdiction’’ at pagsasayang ng pondo.
Una na ring inihayag ni Carlos na hangarin ni Pangulong Bongbong Marcos na i-streamline ang burukrasya at muling ayusin ang gobyerno.
Bilang tugon, ipinunto ni Dela Rosa na layunin ng batas na tiyaking mananatili ang “Anti-Insurgency Efforts” sa gobyerno anuman ang bagong polisiya ng Pangulo.
Magugunitang naging kontrobersiyal ang NTF-ELCAC dahil sa red-tagging sa mga paaralan, estudyante, organisasyon at kritiko ng pamahalaan.