Nakapagtala ng karagdagang 3 kaso ng COVID-19 sa mga Pinoy na nasa ibayong dagat ang Department of Foreign Affairs ngayong Sabado.
Dahil dito, mayroon nang kabuuang 13,543 na kaso ng COVID-19 sa mga Pilipino abroad, kung saan 3,981 rito ay patuloy na nagpapagaling at 8,627 naman dito ay nakarekober na.
Samantala, 935 naman ang kabuuang nasawi habang wala namang naitalang bagong kaso ng namatay ngayong araw.
Tinatayang nasa 84 na bansa na ang naitalang may mga Pilipinong nadapuan ng COVID-19. —sa panulat ni Agustina Nolasco