Welcome sa malacanang ang positibong pahayag ng Commission on Human Rights na walang naitatalang human rights abuses sa ilalim ng Martial Law sa Mindanao.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na indikasyon lamang ito na sumusunod ang mga otoridad sa direktiba ni Pangulong Duterte na huwag abusuhin ang martial law.
Dapat aniyang kalimutan na ang mga pangamba at pag-aalala ng ilang grupong kontra sa martial law.
Mismong si Pangulong duterte aniya ang nagsabing hindi maaabuso ang batas militar dahil ito ay para malutas ang problemang inihasik ng Maute Terror Group at para mapigilang kumalat ang mga ito sa ibang bahagi ng Mindanao.
By: Aileen Taliping