Ikinagalak ng Commission on Elections (COMELEC) ang resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) at Pulse Asia kung saan lumabas na mayorya ng mga Pilipino ang kuntento sa resulta ng nagdaang May 13 elections.
Ayon kay COMELEC Chairman Sheriff Abas, patunay aniya ang nabanggit na mga survey na naging matagumpay ang nagkaraang halaan.
Nagpapakita rin aniya ito na sumasang-ayon ang publiko sa kanilang naging assessment sa 2019 midterm elections sa kabila ng naranasang aberya sa ilang vote counting machines (VCM).
Batay sa SWS survey, 80% ng mga Pilipino ang nagsabing nasiyahan sila pagkalahatang pagsasagawa at resulta ng eleksyon noong May 13 o katumbas ng +68 na net satisfaction rating.
Habang sa lumabas sa survey ng Pulse Asia, 84% ng botante ang malaki ang tiwala sa naging resulta ng halalan at 91% ang nais maipagpatuloy ang automated voting sa mga susunod na eleksyon.