Napanatili ng Pilipinas ang positive credit rating outlook nito para sa ika-apat na quarter ng taon.
Ayon sa Fitch Ratings Incorporated, ang nasabing positive rating ay patunay nang patuloy na paglakas ng government standards sa nakalipas na 6 na taon ng administrasyong Aquino.
Sinabi ng Fitch na inaasahan nilang magtutuluy tuloy o kahit pa pagkatapos ng eleksyon ang positive credit rating ng Pilipinas base na rin sa governance improvement.
Ipinabatid ng Fitch na inaasahang lalago ng hanggang 5.6% ang GDP o Gross Domestic Product ng bansa sa taong ito.
By Judith Larino