Naobserbahan ang ”positive growth” ng COVID-19 cases sa 70% ng mga lalawigan, siyudad at munisipalidad sa bansa.
Ayon sa Department of Health (DOH), nananatiling mas mababa sa 1.5% ng total hospital admissions ang severe at critical cases ng COVID-19.
Gayunman, sinabi ng DOH na nasa “low risk” classification pa rin ang Pilipinas.
Patuloy namang pinag-iingat ng ahensya ang publiko laban sa nakakahawang sakit.