Inaasahang magtutuloy-tuloy na ang pagbaba ng positivity rate ng COVID-19 hanggang sa Disyembre.
Ayon kay OCTA research fellow Dr. Guido David, batay sa kanilang projection, magiging mababa na ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 dahil natapos na ang wave ng Omicron subvariant XBB at XBC nitong nakalipas na Setyembre.
Maliban dito, nasa 85% na aniya ng mga Pilipino ang nagsusuot ng face mask kahit pa may anunsiyo na hindi na mandatory ang pasusuot nito sa indoor at outdoor spaces.
Dagdag pa nito, natuto na ang mga Pilipino na pangalagaan ang kanilang sarili laban sa virus.