Sumipa sa mahigit 12% ang positivity rate ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).
Ayon ito kay Dr. Guido David, fellow ng OCTA research group na nagsabing ang 12.4% na positivity rate ay naitala mula November 26 hanggang December 3 mula sa 11.1%.
Sinabi ni David na nakapagtala rin ng pagtaas sa positivity rate sa parehong panahon ang mga lalawigan ng Bataan, Cagayan, Camarines Sur, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Laguna, Nueva Ecija, Pampanga, Pangasinan, Quezon, Rizal at Zambales.
Ang Nueva Ecija ang nakapagtala ng pinakamataas na positivity rate sa Luzon na nasa 39.1% mula sa 32. 9% noong November 26, ikalawa ang Camarines Sur sa 38.8% at Isabela – 38.6%.
Kabilang naman sa mga lalawigan sa Luzon na nakapagtala nang bumabang positivity rates ang Albay, Batangas, Benguet, Bulacan, Cavite, Isabela, Kalinga, La Union, Mountain Province at Tarlac.