Bumaba sa kauna-unahang pagkakataon ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, bumagsak sa 16.4% ang positivity rate sa rehiyon nitong August 12 kumpara sa 17.5% noong nakaraang linggo.
Pero mas mataas pa rin ito sa itinakdang threshold ng World Health Organization (WHO) na 5%.
Magandang senyales naman para kay David ang bagong datos dahil ipinapakita nito na nag-peak na ang COVID-19 cases sa National Capital Region (NCR).