Inihayag ng octa research group na muling tumaas sa 34.7 percent mula sa 28.7 percent ang positivity rate sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay OCTA Research Fellow Prof. Dr. Guido David, posibleng pumalo sa 5,000 hanggang 6,000 ang maitalang bagong kaso ng nakahahawang sakit sa bansa ngayong araw.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH), umabot sa 24,992 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas hanggang kahapon, January 3, 2022.
Samantala, hinimok naman ni David ang publiko na maging maingat at patuloy na sumunod sa ipinatutupad na health and safety protocols.—sa panulat ni Angelica Doctolero