Bumulusok pa ang naitalang seven-day COVID-19 positivity rate sa National Capital Region.
Ayon sa OCTA Research Group, bumaba sa 12.3% ang positivity rate sa rehiyon nitong October 22 kumpara sa 14.9% noong October 15.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni OCTA Fellow Dr. Guido David, na pitong lugar sa bansa ang nagpakita naman nang pagtaas sa positivity rate sa kaparehong panahon.
Kabilang aniya rito ang Cagayan, Iloilo, Isabela, La Union, Misamis Oriental, Pangasinan, at Tarlac.